^

Police Metro

Puganteng Koreano na tumakas sa BI custody, arestado

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang puganteng South Korean national ang muling naaresto sa Parañaque City matapos tumakas mula sa Bureau of Immigration (BI) custody.

Ang suspek ay kinilalang si Lee Jingyu, 32,na naaresto sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Boulevard,Barangay Tambo noong Pebrero 26, mahigit isang buwan matapos tumakas noong Enero 1.

Si Lee ay may deportation order at mayroong Interpol red Notice kaugnay ng drug smuggling.

Inihayag din ng BI na nagtatago si Lee mula noong Enero matapos mawala kasama ang kapwa detainee na si Yang Heejun mula sa BI Warden Facility sa Muntinlupa.

Una namang naaresto si Yang noong Enero 14 matapos ang isinagawang tracking operations.

Nahuli rin ang umano’y kasabwat ni Lee na si In Jaesang na nagsilbi niyang lookout, at nabigong magpakita ng valid passport o anumang dokumento.

Pansamantalang inilagay ang mga dayuhan sa kustodiya ng BI habang hinaharap ang kanilang mga kasong deportasyon.

KOREAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with