Leviste kay Dizon: I-authenticate ang Cabral files

MANILA, Philippines — Tinaningan ng ilang araw ni Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para i-authenticate ang files ng yumaong si dating Undersecretary Catalina “Cathy” Cabral na kaniyang ini-upload sa facebook.
Ayon kay Leviste, ito’y upang hindi na umano pagdudahan ang ‘authenticity’ ng hawak niyang mga dokumento ni Cabral hinggil sa mga nag-proposisyon sa pagsisingit ng pondo sa mga proyekto ng imprastraktura ng DPWH national budget.
Sinabi ni Leviste na sa pamamagitan aniya nito ay masusubok kung nagsisinungaling ang DPWH, may itinatago o aamin na sa katotohanan.
Aniya, simula pa umano noong Nobyembre ay sinabi na niyang hawak niya ang files ni Cabral na ipinakita niya sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) at Ombudsman.
Sa katunayan, ayon pa sa neophyte solon, sinabi sa kaniya ni Vince Dizon na ipapalabas niya ang nilalaman ng dokumento sa Setyembre pero hindi ito nangyari.
“Narito po ang October 1 email ko kay Sec Vince na nagko-confirm ng ‘FY 2025 DPWH Budget.pdf”, at ang October 20 email ng DPWH kung saan ipinadala sa akin ang ‘FY 2026 DPWH HGAB summary by DEO_LD.pdf’ ‘as per instruction of Sec. Vince Dizon’ kasama ang pirma ni Sec Vince. Checkmate po”, saad pa ni Leviste na ipinoste rin sa facebook ang nasabing email nito kay Dizon.
- Latest




















