^

Police Metro

LPP sinuportahan ang Marcos admin

Gemma Garcia - Pang-masa
LPP sinuportahan ang Marcos admin
Ferdinand Marcos Jr.
Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng suporta sa administrasyon ni ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang League of Pro­vinces of the Philippines (LPP).

Sa isang courtesy call sa Palasyo ng Malakanyang, iprinisinta ni LPP President at South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr. ang resolusyon ng League of Provinces of the Philippines (LPP) na inilabas noong Nobyembre 18.

Nakasaad dito ang buong suporta sa Pangulo at sa pamamahala niya at ipinangakong ipagtatanggol laban sa mga kalaban ng Konstitusyon at demokrasya.

Nagpasalamat naman  si Pangulong Marcos sa mga opisyal ng LPP at sinabing napakarami pang kailangang gawin kaya’t hindi na dapat maabala ng ingay sa politika.

Nauna nang nagpahayag ng suporta ang business community para sa matatag at inklusibong ekonomiya sa ilalim ng pamumuno ni Marcos.

Nauna na rin naglabas ng suporta sa liderato ni Marcos ang City Mayors.

Sa isa namang pahayag noong November 19, muling tiniyak ng League of Cities of the Philippines (LCP) ang kanilang buong suporta kay Pangulong Marcos.

LPP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with