^

Police Metro

2 utol ni Patidongan, inaresto

Doris Franche-Borja - Pang-masa
2 utol ni Patidongan, inaresto
Philippine coast guard personnel prepare to depart to the site where the bodies of cockfighters were allegedly dumped, in Lake Taal off Talisay town, Batangas province, South of Manila on July 10, 2025.
AFP / Ted Aljibe

Missing links’ sa kaso ng nawawalang mga sabungero

MANILA, Philippines — Dalawang kapatid ni Julie Patido­ngan o alyas “Totoy”, na konektado rin umano sa pagkawala ng mga sabungero, ang naaresto sa ibang bansa at nasa kustodiya na ng pulisya.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo ang mga ito na sina Elakim at Jose Patidongan na siyang itinutu­ring na missing link sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Magugunita na nauna nabanggit ni Patidongan hinggil sa dalawang persona­lidad na kilalang-kilala niya na siyang sangkot din sa mga nawawalang sabu­ngero ngunit hindi niya ito pinangalanan.

Sa isang pulong balitaan sa Kampo Krame kahapon ng umaga ay ipinaliwanag ni Fajardo na nahuli ang dalawa sa isang bansa sa bahagi ng Southeast Asia matapos na gumamit ng alias sa kani-kanilang mga pasaporte na siya namang itinuturing na isang malaking paglabag sa batas.

Matapos matunton ang kinaroroonan ng magkapatid ay agad na nagkasa ng isang operasyon ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pangunguna ni dating CIDG Director PBGen. Romeo Macapaz dahilan para maaresto at maibalik sa bansa ang dalawa nitong Hulyo 22.

Agad namang ipinaliwanag ni Fajardo ang naging partisipasyon ng dalawa sa kaso ng mga nawawalang sabungero kung saan si Elakim umano ang siyang nag-withdraw sa ATM account na pagmmay-ari ng isa sa mga sabungero habang si Jose naman ang siyang nakuhanan ng video na umano’y naging escort sa isa sa mga kinidnap na sabungero.

Nanindigan naman din si Fajardo na lehitimo ang kanilang ikinasang operasyon at maging pag-aresto matapos na mapag-alaman na mayroon ding mga outstanding warrant of arrest ang magkapatid sa magkaibang paglabag.

Ang operasyon y mayroong malalim na koordinasyon sa Bureau of Immigration (BI) at aprubado rin ng kanilang Case Ope­rational Plan upang tahimik na maaresto ng mga otoridad ang dalawang suspek.

Nanindigan naman si Fajardo na bilang isang legal strategy kinailangan silang i-discharge bilang state witness at sampahan ng kaso dahil sa mga naging malalim na partisipasyon nila sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

SABUNGERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with