^

Police Metro

Puting sibuyas may salmonella, ibinabala ng DA

Angie dela Cruz - Pang-masa
Puting sibuyas may salmonella, ibinabala ng DA
A vendor in public markets in Marikina City arranged his white onion produce
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nagbabala si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa publiko na maging mapanuri sa pagbili ng mga imported na puting sibuyas dahil delikado sa kalusugan.

Ang paalala ay ginawa ni Sec. Laurel nang makumpiska sa Pampanga ang ilang toneladang puslit na mga gulay kabilang ang imported na sibuyas na positbo sa salmonella at heavy metals. Aniya, walang otorisasyon mula sa ahensiya ang importasyon ng puting sibuyas.

Binigyang diin ni Secretary Laurel na ang hakbang ay ginawa upang maprotektahan ang local onion farmers at matiyak na ligtas ang kalusugan ng mamamayan mula sa mga pagkain.

“If possible, please don’t buy imported onions because they maybe contaminated with salmonella. These contaminated onions are not fit for human consumption,” ayon sa Kalihim.

Ang nakumpiskang shipment ng 34 metric tons ng puting sibuyas ay mula China na naideklara lamang na processed chicken karaage strips.

SIBUYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with