^

Police Metro

Overseas voting umarangkada na

Mer Layson - Pang-masa
Overseas voting umarangkada na
Comelec marks the end of the test voting period for internet voting and begins the official overseas voting period for the 2025 elections.
Comelec via Facebook

MANILA, Philippines — Umarangkada kahapon ang overseas ­voting para sa 2025 National and Local Elections (NLE).

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia, ang opisyal na overseas voting period ay nagsimula dakong alas-8:00 ng umaga (local time) kahapon, Linggo, Abril 13 na magtatagal hanggang alas-7:00 ng gabi sa Mayo 12, na kasabay rin ng pagtatapos ng panahon ng botohan sa bansa.

Anang Comelec, ang test voting para sa registered overseas voters na nag-enrolled sa Online Voting and Counting System ay isinara ganap na alas-11:59 ng gabi noong Sabado, Abril 12.

Kasunod nito, kaagad na ring sinimulan ang botohan.

Sinabi ng poll chief na ang pagboto ng ating mga kababayan sa 77 posts sa ibayong dagat ay idaraos sa pamamagitan ng internet voting.

Samantala, ang mga botante naman sa 16 pang posts ay isasagawa sa pamamagitan ng pagpunta sa embahada o kaya naman ay sa konsulada.

Ani Garcia, ang internet voting abroad ay bukas sa loob ng 24-oras.

Nabatid na unang makakaboto ang mga rehistradong Filipino voters sa mga lugar sa New Zealand, sa ilalim ng hurisdiksiyon ng Wellington Philippine Embassy, pagsapit ng 4:00AM sa Manila.

Una nang sinabi ni Garcia na mayroong 1.231 milyong Filipino voters sa ibayong dagat.

Gayunman, hanggang noong Biyernes, Abril 11, nasa 48,000 botante pa- lamang ang nagpa-enroll sa pre-voting enrollment system para sa 2025 polls.

NLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with