^

Police Metro

One ID system isusulong sa Pasig City

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Para sa mas mabilis na paghahatid ng serbisyo sa mga residente ay isusulong ni Pasig City Mayoralty candidate Sara Discaya ang pagkakaroon ng One ID system sa lungsod.

Ayon kay Discaya na makatutulong ang pagkakaroon ng One ID system para sa mabilis na access sa mga serbisyo kabilang ang mga tulong-pinansyal, complimentary medical check-ups, at iba pang benepisyo ng lokal na pamahalaan.

Ang system na tatawaging “Pasigueno Pamilya Tayo with Pasig I.D. Card” ay bahagi ng bisyon ni Discaya para sa modern at Smart City na target masimulan ngayong taon.

Sa pamamagitan nito, mababawasan aniya ang hamon at hirap ng mga residente para makuha ang nararapat na serbisyo.

Kung maisasakatuparan, maaari ring magsilbing modelo ang naturang sistema para maipatupad sa iba pang bahagi ng bansa upang mas maging mabilis ang mga transaksyon hindi lamang sa gobyerno kundi pati sa mga pribadong sektor.

Kasamang mapapabilis ang pamamahagi ng holiday gifts, educational supplies, food packages, at iba pang mga benepisyo. Mapagbubuti rin nito ang serbisyong pangkalusugan dahil sa pamamagitan lang ng pag-scan mabilis na makaka-avail ng libreng check-ups, medications, at iba pang medical support.

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->