Korte, nagpasok ng ‘not guilty plea’ kay Teves sa murder case

MANILA, Philippines — “Not guilty plea” para kay dating Negros Oriental Rep. Arnie Teves sa isa sa mga kinakaharap nitong murder cases kaugnay nang pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pang indibidwal noong 2023.
Ito ang ipinasok ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 12 nang dumalo si Teves sa isinagawang video conferencing sa arraignment ng kaso kasama ang kanyang mga abogado.
Gayunman, tumanggi itong magpasok ng anumang plea kaya’t ang hukuman na ang naghain ng not guilty plea para sa kanya.
Muli rin naman umanong iginiit ni Teves ang kanyang karapatan sa pananahimik sa panahon ng proceedings.
Muling itinakda ng hukuman ang inisyal na pagdinig sa kaso sa Hulyo 29, sa pamamagitan din ng video conferencing.
Noong nakaraang linggo, tumanggi rin si Teves na maghain ng plea sa idinaos na arraignment para sa kinakaharap na terrorism cases sa Quezon City Regional Trial Court.
- Latest















