7 sa bawat 10 Pinoy pabor sa AKAP – survey
MANILA, Philippines — Pabor ang 7 sa bawat 10 Pinoy o 69% na ipagpatuloy at palawakin pa ang Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) program ng gobyerno na mahalaga umano sa mga mahihirap na pamilya.
Ito ay batay sa resulta ng Tugon ng Masa (TNM) nationwide survey ng OCTA Research sa isinagawang face-to-face interview mula Enero 25 hanggang 31, 2025 sa 1,200 respondents.
Ayon sa survey, 79% ng mga Pilipino ay alam ang AKAP— 88% sa Visayas, 85% sa Mindanao, at 81% sa Metro Manila, na isang indikasyon na malaking bahagi ng populasyon ang nakakaalam nito.
Sa mga rehiyon, ang Balanse ng Luzon ang nakapagtala ng pinakamataas (74%) at pinakamababa naman sa Visayas (63%). Pinakamataas ang suporta sa AKAP sa mga urban areas (72%) at pinakamarami ang mga lalaking pabor sa programa (67%).
Ang MIMAROPA region ang nakapagtala ng pinakamataas na suporta (100%) na sinundan ng Cagayan Valley (82%) at Central Luzon (85%). Ang pinakamababang suporta naman ay naitala sa Northern Mindanao (49%), CARAGA (42%), at BARMM (52%) marahil dahil sa pagkakaiba ng implementasyon nito.
- Latest