4 opisyal sa Bilibid rambol, sinibak at sinuspinde
MANILA, Philippines — Sinibak sa tungkulin at pansamantalang sinuspinde ang apat na tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) matapos ang insidente ng pananaksak sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Kinilala ng BuCor ang mga opisyal na si acting commander of the guards C/Insp. Louie Rodelas; mga tagabantay ng Building 8 na sina Corrections Officers 1 (CO1) Christian Alonzo; at Joshua Mondres; at Gate 1A officer na si CO1 Glicerio Cinco Jr..
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., kinakailangang maging alerto at mapagmatyag ng mga tauhan para sa safety protocols kasama ang pangangalaga at pamamahala sa mga bilanggo kahit anong oras.
Matatandaang nangyari ang pananaksak noong Enero 2 ng umaga sa Gate 1A ng Quadrant 4 ng Maximum Security Compound ng Bilibid. Nagresulta ito sa pagkamatay ng isang person deprived of liberty (PDL) at dalawa pang bilanggo ang nasugatan.
Binigyang-diin ni Catapang na kailangan umanong mapanagot ang mga indibidwal na may mga pagkukulang.
- Latest