13 Pinay surrogate mom, nakauwi na ng Pinas
MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo na nakabalik na sa Pilipinas ang 13 Pinay na nahatulan sa paglabag sa surrogacy ban sa Cambodia.
Ayon sa pahayag ng DFA, naging posible ang pag-uwi ng mga Pinay surrogate mother sa koordinasyon ng Philippine Embassy sa Phnom Penh at ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).
Nagbigay umano ng Royal Pardon si His Majesty Preah Bat Samdech Preah Boromneath Norodom Sihamoni nitong Disyembre 26.
Inendorso rin ng Royal Government ng Cambodia ang Royal Decree na nagbigay ng daan sa kanilang release at agarang repatriation sa mga Pinay.
Binigyang-diin din ng DFA na ang ligtas na pag-uwi ng mga Pinay ay patunay na matagal nang pagkakaibigan ng Pilipinas at Cambodia at parehong paglaban ng bansa sa human trafficking at iba pang transnational crimes.
Matatandaang nahatulan ang 13 Pinay dahil sa paglabag sa surrogacy ban sa Cambodia na iniulat na na-recruit lang online.
- Latest