^

Police Metro

5 tiklo sa sexual explotation, 7 sex workers na minor, nasagip

Angie dela Cruz, Ludy Bermudo - Pang-masa
5 tiklo sa sexual explotation, 7 sex workers na minor, nasagip
Photo show little girl.
Image by Ulrike Mai from Pixabay

MANILA, Philippines — Limang katao ang inaresto habang 7 sex workers na minor ang nasagip nang salakayin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang establisyemento na ‘front’ ang videoke bar na sinasabing nag-aalok ng mga babae para sa sexual services sa Alaminos City, Pangasinan.

Kinilala ni NBI Director (Ret.) Judge Jaime Santiago ang mga suspek na sina Rochelle Cortez; Edmund Lanayog Corpuz; Ramones Jervy Mendoza; Bonifacio Esta; at Jexter Cruz Sison, na ininquest na sa korte dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 as amended by RA 10364).

Ayon kay Santiago, agad inaksyunan ng NBI – Alaminos District Office (NBI-ALDO) ang natanggap na impormasyon mula sa isang non-go­vernment organization (NGO) hinggil sa mga babae kabilang ang mga kabataan na ginagamit sa prostitution sa Shayawayne Videoke Bar.

Nagsagawa ng serye ng surveillance operations ang NBI-ALDO at nakumpirmang may mga menor de edad pang inaalok ang nasabing bar kaya isinagawa ang operasyon nitong Disyembre 12, 2024, katuwang ang iba pang NBI district offices ng NGO at Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO) at nasagip ang 10 babae na kinabibila­ngan ng 7 menor de edad.

SEX WORKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with