Kelot mistulang nagmamakaawa bago pinatay
MANILA, Philippines — Mistulang nagmamakaawa ang lalaking nakaposas bago ito barilin nang malapitan na ang bangkay ay iniwan sa kahabaan ng AA Drive, Brgy. Pasong Buaya 1, Imus City, Cavite, kahapon ng umaga.
Inilarawan ang biktima na tinatayang nasa edad na 35 hanggang 40-anyos, may taas na 5’3, medium built ang katawan at nakasuot ng itim na t-shirt, asul na jogging pants at asul na jacket.
Nakaposas ang mga kamay ng biktima at nakaluhod ito nang matagpuan sa nasabing lugar.
Ayon sa pulisya, malaki ang posibilidad na pinatay sa ibang lugar ang biktima at itinapon lamang ito sa nasabing lugar.
Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima at naghahanap din ng CCTV sa lugar na posibleng nahagip ang mga suspek.
- Latest