^

Police Metro

Mister utas, misis sugatan sa nagpanggap na car buyer

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang negosyanteng lalaki habang sugatan ang misis nang pagbabarilin sa loob ng sasakyan ng isang suspek na nagpanggap na buyer nila ng kotse, naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Langkaan, Dasmariñas City, Cavite noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Edzcel Lumboy, 46, nagtamo ng tama ng bala sa likod habang ang misis niya na si Jackielou, 44, ­kapwa residente ng Barangay San Lorenzo, Sta. Rosa City, Laguna ay nasugatan nang barilin din ng suspek habang tumatakas.

Ayon kay Lt. Col. Julius Balano, hepe ng Dasmariñas City police na bago nangyari ang krimen, alas-8:30 ng gabi sa Asiungan area, Barangay Langkaan 1 ay lumuwas ang mag-asawa para katagpuin ang suspek na nagpanggap bilang ahente ng kotse na naki­lala ni Edzcel sa social media account.

Nang magkita ay umupo ang suspek sa likuran ng kotse at ilang sandali ay pinagbabaril si Edzcel habang agad na nakalabas ng kotse si Jackielou, subalit siya ay binaril din.

Sinabi ni Balano na pagnanakaw ang posibleng motibo sa krimen matapos ang dalang pera ng mag-asawa na P400,000 ay kinuha ng suspek na tumakas matapos ang krimen.

Natukoy na ang salarin matapos na positibong kinilala ni Jackielou sa tulong ng screen shot na ginawa sa video call at mga larawan.

Nagsagawa ng munhunt operation ang pulisya laban sa suspek na kinasuhan ng robbery with murder at frustrated murder.

KRIMEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with