^

Police Metro

23 katao patay kay ‘Kristine’

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pang-masa
23 katao patay kay ‘Kristine’
Lubog sa tubig baha at putik ang mga kabahayan sa Baao, Camarines Sur matapos hagupitin ng bagyong ‘Kristine’. “Natigil na ang ulan pero mas tumaas pa ang level ng tubig. Boats pa rin ang mode of transportation and rescue,” ayon sa uploader na si Oliver Collins.

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 23 katao ang naitalang nasasawi, dalawa ang sugatan, siyam ang nawawala habang mahigit namang 2 milyong katao ang naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Kristine na humagupit sa mala­king bahagi ng bansa partikular na sa Bicol Region, ayon sa pinagsamang ulat ng pulisya at ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) V Director P/Brig. Gen. Andre Dizon, sa Bicol Region pa lamang ay nasa 20 na ang naitalang patay ng pulisya pero ito ay kailangan pang sumailalim sa balidasyon ng DILG Management of the Dead and Missing.

Kabilang sa mga nasawi ayon sa opisyal ay pito sa Naga City, lima sa Catanduanes, apat sa Albay, tig-isa sa Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon at Masbate. Ang mga biktima ay nasawi sa pagkalunod, landslides at nabuwal na punong kahoy.

Idinagdag ng NDRRMC sa talaan ng mga nasawi ang isang nalunod sa Aringay, La Union. Gayunman sa tala ng NDRRMC ay nasa 10 pa lamang ang nabeberipika ng mga itong nasawi ng malawakang pagbaha partikular na sa Camarines Sur at Albay at patuloy pa aniya ang beripikasyon sa iba pang mga report.

Sinabi ni NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas, dalawa rin ang naiulat na nawawala, isa rito ay sa Labo, Camarines Norte na naaksidente sa ma­dulas na daan at isa sa Southern Leyte na nadagana n naman ng nabuwal na punongkahoy. Samantalang ang siyam na mangingisdang nawawala ay mula sa La Union, ­Quezon, Camarines Sur, Masbate, at Pilar, Cebu habang natagpuan na ang 3 pang mangingisda  na una nang napaulat na nawawala sa Daanbantayan, Cebu.

vuukle comment

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with