^

Police Metro

‘Kristine’ out, ‘Leon’ next - PAGASA

Angie dela Cruz - Pang-masa
‘Kristine’ out, ‘Leon’ next - PAGASA
Ang naturang LPA na nasa layong 2,295 kilometro ng silangan hilagang silangan ng Mindanao ay tatawaging Bagyong Leon sa oras na makapasok sa PAR.
PAGASA

MANILA, Philippines — Namataan ng PAGASA sa silangan ng Philippine Area of Responsibility (PAR) Region ang nagbabantang maging bagyo sa susunod na 24 oras.

Ang naturang LPA na nasa layong 2,295 kilometro ng silangan hilagang silangan ng Mindanao ay tatawaging Bagyong Leon sa oras na makapasok sa PAR.

Kaugnay nito, bago lumabas ang bagyong Kristine ngayong hapon ng October 25 ay nagpakita pa ito ng lakas habang nasa karagatan ng Southern Ilocos Sur. Si Kristine ay muling lalakas habang nasa may West Philippine Sea.

Alas-2:00 ng hapon kahapon, October 24, ang sentro ng Bagyong Kristine ay namataan ng PAGASA sa coastal waters ng Santa Cruz, Ilocos Sur taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 115 kilometro bawat oras.

Dulot nito, nakataas ang Signal number 3 ng bagyo sa Luzon particular sa Benguet, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.

Signal number 2 sa  mga lugar sa Luzon sa Metro Manila, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, western portion ng Batagas, Northern Portion ng ­Quezon sa General Nakar, Infanta kasama na ang Polillo Islands at  Lubang Islands gayundin sa  Ilocos Norte, Batanes, Cagayan  kasama na ang  Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Ifugao, Mountain Pro­vince at  Aurora.

Signal number 1 sa Luzon sa Laguna, nalalabing bahagi ng Batangas, nalalabing bahagi ng Quezon, na­lalabing bahagi ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, northern portion ng mainland Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, San Vicente, Dumaran, Roxas) kasama na ang Calamian Islands, Cuyo, at Kalayaan Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate kasama na ang Ticao at Burias Islands.

Signal number 1 din sa Visayas sa Aklan, Capiz, Antique kasama na ang Caluya Islands, Iloilo, Bantayan Islands, Northern Samar, northern portion ng Samar (Santa Margarita, Almagro, Tagapul-An, Calbayog City, Santo Niño, Gandara, Matuguinao)

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with