^

Police Metro

P2 milyong reward sa ikadarakip ng Chinese na pumatay ng kalahi

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nag-alok ng P2-mil­yong pabuya ang Southern Police District (SPD) sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para maaresto ang isang Chinese national na suspek sa pamamaril at pagkamatay ng kaniyang kababayan sa Makati City, noong Oktubre 17, 2024.

Kasalukuyang pi­naghahanap ang suspek na si Wang Danyu  alyas “Wang Dan Yu” at  “Bao Lung” na bumaril at nakapatay sa biktimang si Liu Jiabin, 29.

Ayon sa Makati City Police at sa naging viral na kuha ng CCTV, si Wang Dan Yu, kasama ang isa pang lalaking Chinese ang responsable sa pagkamatay ng biktima na tumakas matapos ang insidente.

 Babala naman ng otoridad sa publiko na mag-ingat sa  suspek na nabanggit dahil armado ito at mapanganib.

Kung sakali mang may alam kayo sa kinaroroonan ng suspek ay maaaring magtungo sa pinakamalapit na pulisya  o tawagan ang Makati City Police station sa 09297936525.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with