^

Police Metro

Veggie chips ‘di healthy – expert

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Hindi nakagagarantiya na ‘healthy’ ang vegetable chips o veggie chips na ibinebenta sa merkado at online.”

Ito ang babala sa publiko ni Health Justice Philippines managing director Ralph Degollacion, na may content creators o social media influencers ang nagpo-promote ng naturang mga produkto at ibinibida bilang isang “healthy” ang veggie chips.

Sinang-ayunan naman ni Health Philippines Alliance representative at The Police Center Philippines board of trustee Ma. Fatima Villena, ang posisyon ni Degollacion.

Giit ni Villena, processed food na ang snack kahit pa tawagin o ipakilala bilang “veggie.”

Ayon sa dalawang health expert, dapat maging mapanuri ang mga media influencer sa mga produkto na kanilang iniendorso, lalo na sa pagkain.

Ginawa ng Healthy Philippines Alliance ang kanilang panawagan sa harap ng nilagdaang Memorandum of Understanding (MOU) para labanan ang NCDs o non-communicable diseases, kaugnay ng pagdiriwang ng World Food Day noong October 16.

Panawagan nila sa pamahalaan, nagpatupad ng mga patakaran para sa paglalagay ng food warning labels para mabawasan ang pagkonsumo ng mga ultra-processed food at labanan ang NCDs.

VEGETABLES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with