^

Police Metro

2 bebot, 1 pa tiklo sa P1.3 milyong ecstasy

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pang-masa
2 bebot, 1 pa tiklo sa P1.3 milyong ecstasy
Kinilala ang tatlong suspek na sina alyas Marlon, 27, tricycle driver; alyas Bai, 21; at alyas Claire, 21, kapwa dalaga at pawang mga residente ng nasabing lugar. Nakatakas naman ang isa pang suspek na kinilala sa alyas Jomel.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Tatlong katao kabilang ang dalawang babae ang naaresto sa isang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Brgy. Paliparan 2, Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ang tatlong suspek na sina alyas Marlon, 27, tricycle driver; alyas Bai, 21; at alyas Claire, 21, kapwa dalaga at pawang mga residente ng nasabing lugar. Nakatakas naman ang isa pang suspek na kinilala sa alyas Jomel.

Sa ulat, alas-10:40 ng gabi nang ilatag ng mga otoridad ang buy-bust operation sa kahabaan ng Molino-Paliparan Road sa gilid ng St. Francis College, Brgy. Paliparan 2 kung saan magkakasamang dumating ang apat na suspek.

Nang magkaabutan ay  agad pinaligiran ng mga otoridad ang mga suspek subalit nakatakbo si alyas Jomel.

Narekober sa mga suspek ang 1 nakabuhol na  transparent plastic bag na naglalaman ng may 100 gramo ng shabu na may halagang P680,000.00 at 8 piraso ng resealable transparent plastic bags na may mga lamang 800 piraso ng blue tablets na  ecstasy na may halagang P1,360, 000.00.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with