^

Police Metro

2 ‘sex slaves’ tetestigo vs Quiboloy

Mer Layson, Doris Franche-Borja - Pang-masa
2 �sex slaves� tetestigo vs Quiboloy
Mahigpit ang seguridad ng mga pulis sa paglabas sa Pasig RTC ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) lider Apollo Quiboloy na nakasuot ng bullet proof vest at helmet matapos na basahan ng hatol kahapon sa kasong human trafficking.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Dalawa sa lima umanong biktima ng sex slavery ang handang tumestigo laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) lider Pastor Apollo Quiboloy.

“Doon sa five, ang dalawa ang decided talaga na mag-testify. ‘Yung tatlo nag-iisip pa”, pahayag ni Davao City Police chief Police Colonel Hansel Marantan sa panayam.

Ani Marantan, patuloy silang makikipag-ugnayan sa mga biktima sa tulong na rin ng ilang mga eksperto sa kanilang sitwasyon.

Aniya, ginamit ni Quiboloy ang mga menor-de-edad bilang sex slaves nito. Mayroon pang ang edad ay 12 taong gulang lamang.

Idinagdag pa na may iskedyul nang pakiki­pag-sex si Quiboloy sa mga menor-de-edad na ito.

“At the average, 12 to 13 years old na nag-start sila as, well I call it sex slaves, sex slaves sila ni Quiboloy. Kasi grabe ang attraction ni Quiboloy sa mga minors na ito, that is why I called him a pedophile,” sinabi pa ni Marantan.

Ayon naman kay KOJC legal counsel Atty. Israelito Torreon, ang mga bagay na nabanggit ay alegasyon pa lamang at kailangang imbestigahan.

Samantala, sinabi rin na mayroong15 pang menor-de-edad na kailangang masagip sa loob ng KOJC compound sa Davao City.

Sinabi naman ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Nicky Ty, na maaaring mailagay sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) ang mga umano’y ‘biktima’ ni Quiboloy.

Kaya’t hinikayat ni Ty ang mga biktima na makipag-ugnayan sa DOJ upang mai-refer sila sa WPP. - Malou Escudero

APOLLO QUIBOLOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->