^

Police Metro

Missing na babaeng paslit natagpuang patay sa sako

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bangkay na nang matagpuan sa loob ng sako sa Lupang Arenda, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal ang isang 8-anyos na batang babae na naiulat na nawawala noong Miyerkules.

Kinilala ang biktima na si alyas Ryka, nakatira sa Road 10 Abnai Sta. Ana, Taytay na unang iniulat ng mga kaanak na nawawala noong pang Miyerkules ng gabi.

Ayon sa report, alas-12:00 ng hatinggabi nang makita ng isang 43-anyos babae na residente sa lugar ang isang sakong kulay asul na may nakasilid na kahina-hinalang bagay at iniwan sa unahan ng isang nakaparadang sasakyan sa Mabunga St. Purok 5.

Agad niyang itong ini­report sa mga otoridad at nang buksan ang sako ay tumambad ang bangkay ng bata.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari at inaalam kung ano ang ikinasawi ng bata at sino ang may kagagawan ng krimen.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with