^

Police Metro

Marcos: Nagpatakas kay Alice Guo mananagot

Gemma Garcia - Pang-masa
Marcos: Nagpatakas kay Alice Guo mananagot
In this Facebook post on May 30, 2024 shows Mayor Alice Guo meeting the winners and participants of the Bamban Battle of the Bands Poster Making Contest.
Facebook / Mayor Alice Leal Guo

MANILA, Philippines — “There are no sacred cows.”

Ito ang tiniyak kahapon ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pagtakas sa bansa ng sinibak na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sinabi ng Pangulo na nakausap na niya si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla para bigyan ng update sa resulta ng imbestigasyon.

Halos tapos na rin aniya ang DOJ sa malalim na imbestigasyon at kanilang kikilalanin ang mga sangkot sa pagpapatakas kay Guo at kaaagad silang aaksyon dito.

Aminado si Marcos na itinago sa kanya ng Bureau of Immigration (BI) na nakatakas na ng bansa si Guo at tiniyak na may masisibak na mga opisyal ng BI dahil mayroon na silang ideya sa mga taong sangkot dito.

 “Well let’s not… That’s the last part of this, how far, how deep does this go. Isa lang ba ang tao na involved, o marami sila, o sindikato ito, that’s what we are doing,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Idinagdag ng Pangulo na walang puwang sa gobyerno ang sinumang inuuna ang personal na interes kaysa sa pagli­lingkod sa sambayanang Pilipino nang may dangal, integridad at katarungan.

Matatandaan na sinabi ni Senador Risa Hontiveros na nagtungo sa Kuala Lumpur, Malaysia si Guo at pagkatapos ay nagtungo sa Singapore at ngayon ay nasa Indonesia na.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with