^

Police Metro

L300 van nadaganan ng dump truck: 16 katao sugatan

Doris Franche-Borja - Pang-masa
L300 van nadaganan ng dump truck: 16 katao sugatan
Nililinis ng mga trabahador na ito ang nagkalat na mga buhangin sa kahabaan ng northbound lane sa kanto ng C5 at Eastwood Avenue, Quezon City matapos ang dump truck na may kargang buhangin ay bumangga at dumagan sa isang L300 van kahapon.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nasugatan ang 16 katao matapos banggain at madaganan ng 12 wheeler truck na may kargang buhangin ang isang L300 van sa C5-Eastwood, Que­zon City, kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector, alas-5:00 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng E. Rodriguez Jr. ng Eastwood, Brgy. Bagumbayan, Que­zon City.

Lumilitaw na galing sa C5 Southbound ang truck na may plakang NHH 7833 na minamaneho ni Ryan Alarcon Rigor at patungo sana ng Laguna para magdeliber ng buhangin.

Sa pag-U turn ng truck ay biglang sumulpot ang isang motorsiklo sa kanyang harapan kaya agad itong iniwasan ng driver pero nabangga naman nito ang pampasaherong L300 van na minamaneho ni Carlos Jay Santos Paras na galing C5 Northbound at papunta sana ng Marikina.

Dala ng malakas na salpok ay nabasag ang harapan ng 12 wheeler truck habang mistulang latang nayupi naman ang L300 matapos madaganan.

Sinabi ng mga rescuer, umabot na sa 16 na sakay ng van, kabilang ang driver nito ang isinugod nila sa iba’t ibang ospital na pawang nagtamo ng mga sugat at bali sa katawan.

Naging pahirapan naman sa mga tauhan ng Road Emergency Team ng Metro Manila Development Autho­rity (MMDA) at Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), ang pag-alis sa truck na may kargang buhangin at L300 sa lugar nang pinangyarihan ng aksidente.

Ilang beses nang tinangkang iangat ang  truck at L300 pero hindi ito kinakaya dahil sa bigat kaya gumagamit na ang mga rescuer ng fork lift, boom truck at tow truck para maialis ang dalawang sasakyan.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with