^

Police Metro

Pinas pinasok na ng mpox - DOH

Mer Layson - Pang-masa
Pinas pinasok na ng mpox - DOH
This undated electron microscopic (EM) handout image provided by the Centers for Disease Control and Prevention depicts a monkeypox virion, obtained from a clinical sample associated with the 2003 prairie dog outbreak. It was a thin section image from a human skin sample. On the left were mature, oval-shaped virus particles, and on the right were the crescents, and spherical particles of immature virions.
Cynthia S. Goldsmith / Centers for Disease Control and Prevention / AFP

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Health (DOH) na may nakitang bagong kaso ng mpox (dating monkeypox) sa Pilipinas.

Ayon sa DOH, ito na ang ika-10 kaso ng laboratory-confirmed mpox na naitala sa bansa at naiulat noong Agosto 18, 2024 lamang.

Ang pasyente ay isang 33-taong gulang na lalaki, na walang travel history sa labas ng Pilipinas, ngunit may close, intimate contact, tatlong linggo bago nakitaan ng sintomas ng sakit.

Dinala ang pasyente sa isang government hospital, kung saan kinuhanan siya ng specimens mula sa skin lesions at sinuri gamit ang real-time polymerase chain reaction (PCR) test, kung saan natukoy na positibo nga ito sa Monkeypox viral DNA.

Matatandaang una nang sinabi ng DOH na ang huling kaso ng mpox sa bansa ay naitala nila noong Disyembre 2023 pa at ang lahat ng siyam na kaso ng sakit ay kaagad nilang na-isolate, naalagaan at pawang nakarekober na.

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ng DOH ang publiko na maging maingat dahil kahit sino ay maaaring mahawahan ng naturang karamdaman.

Ang mpox ay maaari anilang maihawa sa tao, sa pamamagitan ng close, intimate contact sa isang taong may karamdaman, sa kontaminadong materyales gaya ng damit o utensils, o maging sa infected animals.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with