^

Police Metro

Hepe ng pulisya, 6 pa sugatan sa pagsabog ng butane gas

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Hepe ng pulisya, 6 pa sugatan sa pagsabog ng butane gas
Ang mga sugatan ay kinilalang sina San Simon police chief PMajor Leo­nardo Lacambra; Staff Sergeants Mary Jane Genobili at Jay-r Mabborang, mga non-uniformed personnel Rolalyn Pascua, Marvin Novesteras, Rowena Ignacio Celestial, at Euis Pauig.
File

Samgyupsal sa police station…

MANILA, Philippines — Nasugatan ang pitong pulis kabilang ang hepe ng San Simon Muncipal Station sa lalawigan ng Pampanga, matapos sumabog ang butane gas na gamit nila sa samgyupsal sa loob ng police station.

Ang mga sugatan ay kinilalang sina San Simon police chief PMajor Leo­nardo Lacambra; Staff Sergeants Mary Jane Genobili at Jay-r Mabborang, mga non-uniformed personnel Rolalyn Pascua, Marvin Novesteras, Rowena Ignacio Celestial, at Euis Pauig.

Sa imbestigasyon nangyari ang pagsabog, alas-5:30 ng hapon nitong Martes sa loob mismo ng nasabing police station.

Nabatid na naghahanda ang mga kapulisan para sa gagawing samgyupsal na kanilang hapunan nang big­lang sumabog ang butane gas cylinder ng kanilang portable stove.

Nagtamo ng first-degree burn ang mga biktima at agad na dinala sa ASCOM Hospital sa Apalit, Pampanga.

Nakalabas na ang tatlo sa mga sugatan habang ang apat kabilang si Lacambra ay nananatili sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan.

Sinabi ni Pampanga police director Col. Jay Dimaandal, lumilitaw na sub standard ang butane na ginamit sa samgyupsal. 

BUTANE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with