^

Police Metro

P29/kilo ng bigas sinimulan nang ibenta sa Kadiwa stores

Joy Cantos - Pang-masa
P29/kilo ng bigas sinimulan nang ibenta sa Kadiwa stores
Sinimulan na kahapon ng pamahalaan ang pagbebenta ng P29 kada kilo ng bigas na kung saan ay 10 kilo lang ang maaaring i-avail sa Kadiwa Market nang ilunsad kahapon ang “Murang Bigas sa NIA @29 pesos” sa loob ng National Irrigation Administration (NIA) Headquarters sa Quezon City.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nagsimula na kahapon na magbenta ang gobyerno ng P29 kada kilo ng bigas sa mga Kadiwa stores sa ilang tanggapan ng National Irrigation Administration (NIA), kaugnay ng target ng gobyerno na magbenta ng abot kayang halaga ng bigas sa mga Pilipino, ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen.

Samantalang nakatakda namang ilunsad sa susunod na linggo ang programa sa P29/kilo ng bigas sa mga Kadiwa Centers para mas marami pang mga konsumer mula sa nabanggit na sektor ang makabili.

Una rito, ipinakita nina Guillen at Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang sample bag ng P29/kilo ng bigas sa turnover ng sari-saring mga kagamitan ng NIA na ginanap sa Mexico, Pampanga noong Miyerkules.

Dito’y sinabi ng mga opisyal na limitado lamang sa 10 kilo ng bigas kada konsumer ang pahihintulutan upang mas marami pa ang mapagsilbihan ng nasabing P29/kilo ng bigas program.

Nangako naman si Romualdez na susuportahan ang programa ng administrasyon para pataasin pa ang produksiyon ng palay at mapababa ang presyo ng mga pagkain.

Aminado naman ang opisyal na ang mataas na presyo ng bigas ay isang matinding hamon sa gob­yerno lalo na sa mga surveys ay lumilitaw na mataas pa rin ang inflation sa bansa.

vuukle comment

RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with