^

Police Metro

Bilang ng mga Pinoy na itinuturing ang sarili na mahirap tumaas - survey

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Batay sa lumabas na survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 1 ay nasa 58 porsyento ng pamilyang Pilipino, tinatayang 16 milyon, ang itinuturing ang kanilang mga sarili bilang “mahirap.”

Mas mataas ito ng 12 porsyento mula noong Marso, kung saan 46 porsyento o halos 12.9 milyong pamilya ang nagsabing mahirap sila.

Sa resulta ng survey na ipinalabas nitong Huwebes, 30 porsyento ng pamilyang Pilipino ang nagsabing itinuturing ang kanilang mga sarili na “hindi mahirap,” habang 12 porsyento ang tinukoy ang kanilang sarili na “borderline” o nasa pagitan ng mahirap at hindi mahirap.

Isinagawa ang Second Quarter 2024 SWS Survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adults na edad 18-anyos pataas sa buong bansa .

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with