^

Police Metro

Sa halagang P25,000 Komadrona arestado sa pagbebenta ng beybi sa FB

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang komadrona ang ina­resto ng mga otoridad dahil sa pagbebenta ng anim na araw pa lamang na sanggol sa halagang P25,000 sa pamamagitan ng Facebook.

Inihayag kahapon ng Department of Justice (DOJ) na inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) ang komadrona sa isang entrapment operation sa Muntinlupa City noong
Hulyo 16.

Ikinasa ang naturang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), DOJ-Inter-Agency Council Against Trafficking, at Cyber-Tip Monitoring Center.

Ito ay matapos makatanggap ng impormasyon ang NBI-HTRAD mula sa Cyber-Tip Monitoring
Center na nagbebenta umano ng sanggol ang in-dibidwal sa social media.

Matapos ang intelligence gathering at verification, nakipag-ugnayan ang isang NBI undercover agent sa babaeng suspek na nagpakilalang midwife.

Napagkasunduan­ nilang magkita sa Muntinlupa at doon na siya inaresto habang ang sanggol ay iti-turn over sa DSWD.

Sinampahan na rin ng kaso ng DOJ ang suspek sa paglabag sa Section 4(g) RA 9208 na inamyenda ng RA 10364 at RA 11862 na kilala rin bilang “Expanded Anti-Trafficking in Persons and Child Trafficking” sa ilalim ng RA 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act kaugnay ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act.

vuukle comment

BABY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with