^

Police Metro

Bilang ng tambay na Pinoy kumonti sa 1.66 milyon noong Nobyembre

Angie dela Cruz - Pang-masa
Bilang ng tambay na Pinoy kumonti sa 1.66 milyon noong Nobyembre
Individuals queue at the quadrangle of Marikina City Hall to look for jobs on Labor Day, May 1, 2023.
STAR / Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Iniulat ng Philippine Statistics Autho­rity (PSA) ang malaking pagbulusok sa antas ng unemployment at underemployment rate sa bansa noong Nobyembre 2024.

Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, nasa 1.66 milyong Filipino na lamang na may edad 15-anyos pataas ang walang trabaho noong Nobyembre 2024, mas mababa ito sa 1.97 milyong jobless Pinoy noong Oktubre 2024.

Anya, mas mababa rin ito sa year-on-year sa 1.83 milyong Pinoy na walang trabaho noong Nobyembre 2023.

Tumaas naman ang employed persons sa 49.54 milyon noong Nob­yembre 2024 kumpara sa 48.16 milyon noong Oktubre 2024 pero mas mababa ito sa 49.64 milyon na may trabaho noong Nobyembre 2023.

Ipinaliwanag ni Mapa, ang season hype ang dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga Pinoy na walang trabaho.

JOBLESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with