3 araw na gun ban sa Metro Manila sa SONA 2024
MANILA, Philippines — Sa darating na Lunes, Hulyo 22 ay ipapatupad ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong araw na gun ban sa Metro Manila para sa ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay PNP-Civil Security Group (CSG) Spokesperson, Police Lt Col. Eudisan Gultiano, suspendido ang Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) mula alas-12:00 ng hating gabi ng Sabado, Hulyo 20 hanggang alas-11:59 ng gabi ng Lunes, Hulyo 22 o ang mismong araw ng SONA
Paglilinaw pa ni Gultiano, epektibo lamang ang naturang gun ban sa National Capital Region (NCR) taliwas sa mga naunang anunsyo na nationwide ang pagpapatupad ng gun ban.
Dagdag pa ng opisyal, tanging ang mga naka-duty na uniformed personnel ang siyang otorisadong magdala ng baril sa mga nabanggit na araw.
- Latest