^

Police Metro

500K Pinoy nilisan Metro Manila sa nakalipas na 5 taon — PSA

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine Statistics Authority na marami nang tao ang umalis na sa Metro Manila sa nakalipas na limang taon.

Ayon kay Adrian Cerezo, Assistant National Statistician ng PSA Social Sector, nasa 500,000 residente ng Metro Manila ang umalis na sa National Capital Region sa nakalipas na limang taon kumpara sa 381,000 na dumating naman sa kaparehong panahon.

Ang matitirahan ang isa pa rin sa pangunahing dahilan kung bakit umaalis na ng NCR ang mga tao.

“Hindi lang ito work from home pero housing related reasons. Karamihan ng mga lumalabas ng NCR ay dahil nakakabili sila ng bahay at lupa sa mga karatig [na pro­binsya], lalo na diyan sa Calabarzon,” ani Cerezo.

Ikalawang dahilan sa pag-alis ng mga tao sa Metro Manila ay ang li­ving environment.

“Ang uri ng antas ng pamumuhay ay pangalawang rason kung bakit may intensyon silang umalis ng NCR,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ng opisyal na posible ring maraming mga manggagawa ang nagtatrabaho pa rin sa NCR pero nakatira na sa labas ng rehiyon.

“Anecdotally, marami tayong mga taong ganun. The commute is bearable enough na dun sila bibili ng bahay at lupa tapas mag co-commute pabalik sa NCR. Marami ‘yung cases na dun nakakabili tapos ‘yung setup work from home and hybrid and there are also those who commute daily,” pahayag ni Cerezo.

Ang Metro Manila o NCR ay binubuo ng 16 highly urbanized cities.

vuukle comment

PSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with