^

Police Metro

Pinas naitala unang kaso ng Q fever

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Bureau of Animal Industry (BAI) na naitala ang unang kaso ng Q fever sa bansa.

Ang sakit, na pa­ngunahing nakakaapekto sa mga baka, tupa at kambing ay maaa­ring makuha ng mga tao sa pamamagitan ng paglanghap ng kontaminadong alikabok.

Dagdag pa rito, ang sakit sa tao ay nagdudulot ng panginginig, lagnat at pananakit ng kalamnan at maaaring kung hindi ginagamot ay maging mga komplikasyon sa atay at puso.

Ang mga kambing na nagpositibo sa sakit ay karamihan sa Santa Cruz, Marinduque, ayon kay Dr. Christian Daquigan, officer-in-charge ng National Veterinary Qua­rantine Services Division ng BAI.

Batay naman sa ulat ng National Institutes of Health (NIH) na ang Q fever ay isang sakit na dulot ng bacterial pathogen Coxiella burneti na mabilis na kumalat sa pamamagitan ng hangin.

Agad na magpa-labo­ratory test ang sinumang indibidwal ang nakakaranas ng naturang mga sintomas ng sakit.

ANIMAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with