^

Police Metro

21 Pinoy seafarer na nailigtas sa atake ng Houthi rebels dumating na

Mer Layson - Pang-masa
21 Pinoy seafarer na nailigtas sa atake ng Houthi rebels dumating na
Dumating kahapon sa NAIA Terminal 3 sakay ng Gulf Air mula Bahrain ang 21 Pinoy seafarers ng MV Tutor na inatake ng Houthi rebels sa Red Sea noong Hunyo 22.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Dumating na sa bansa kahapon ang 21 Pinoy seafarers na nasagip mula sa MV Tutor, na inatake ng mga rebeldeng Houthi rebels sa Red Sea.

Sinalubong sila ni Migrant Workers Secretary Hans Cacdac at Health Secretary Ted Herbosa gayundin si Tingog Representative and House Committee on Overseas Workers Affairs Chair Jude Acidre.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa lahat ng concerned government agencies na iuwi ang mga Filipino seafa­rers ng ligtas na nagresulta sa pagkakasagip ng 21 marino habang nananatiling missing ang isa pa sa barko.

Batay sa mga ulat, binomba ng mga rebeldeng Houthi sa kanlurang baybayin ng Yemen ang Liberia-flagged Tutor gamit ang mga drone at missiles noong Hunyo 12. Sakay, ang MV Tutor ay 22 Filipino seafarer.

Ang pag-atake malapit sa Yemeni port ng Hodeidah ay nagdulot ng matinding pagbaha at pinsala sa silid ng makina, na sanhi para hindi makapagmaniobra ang coal carrier ng barko.

Ayon sa DMW, ang mga tripulante ay tatanggap ng financial assistance na nagkakahalaga ng P230,000.

Una na rin naman silang tumanggap ng tig-192 Bahraini Dinars, na katumbas ng P30,000 bago umuwi ng Pilipinas.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with