^

Police Metro

Pangulong Marcos: Pinoy seamen na binomba sa Red Sea, tutulungang makauwi

Ludy Bermudo, Gemma Garcia - Pang-masa
Pangulong Marcos: Pinoy seamen na binomba sa Red Sea, tutulungang makauwi
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. on May 25, 2024.
STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para mailikas at mapauwi nang ligtas ang mga Filipino seaman na nananatiling nasa karagatan sakay ng MV Tutor na binomba ng missile at drone ng mga rebeldeng Houthi sa Red Sea at Gulf of Aden noong Hunyo 12.

Sa video message ng Pangulo, sinabi nito na nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan sa United Kingdom Maritime Trade Operations para madala sa Djibouti ang mga tripulanteng Pilipino.

Sinabi ng Pangulo na sa sandaling madala ang mga Pinoy crew sa Djibouti ay gagawin din ang kailangang arrangements para naman sila mapauwi sa Pilipinas. Humingi na rin aniya ng tulong ang Pilipinas sa mga kinauukulan para madala ang mga nasabing seafarers sa Djibouti.

Nauna nang sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na nagtamo ng matinding tama ang kritikal na bahagi ng barko sa pambobomba at naapektuhan ang engine room.

Ayon kay Cacdac, nasa 22 Pinoy ang kabilang sa mga tripulanteng sakay ng barko at isa sa mga Pinoy ang nawawala. Nasa dagat pa rin aniya ang barko at ligtas naman ang 21 tripulanteng Pinoy.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with