^

Police Metro

Bingo operator, kinasuhan ng estafa ang 3 empleyado at manlalaro sa ‘game fixing’

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsampa ng kasong estafa ang operator ng isa sa pinakamalaking mall-based bingo games sa bansa laban sa tatlo nilang empleyado at isang player  na umano’y nagsabwatan upang manalo ang huli ng P3.96-M.

Nahaharap sa mga kaso ang tatlong em­pleyado ng BingoPlus sa isang mall sa Cauayan, Isabela na sina Jefferson Castillo, Catherine Vargas, at Liwliwa Viloria, kasama ang player na si Rafael Ramirez na umano’y nagsabwatan upang dayain ang resulta ng laro ng Bingo Milyonaryo.

Sa reklamo ng Grand Polaris Gaming Co. Inc., operator ng BingoPlus, inakusahan ang mga suspek na nakikilahok sa “game fixing activities” upang tiyakin na manalo si Ramirez sa jackpot ng Bingo Milyonaryo noong Enero 19, 2024.

Matapos ireport ng BingoPlus ang scheme, isang imbestigasyon ang isinagawa ng pulisya kung saan nabunyag na matapos manalo si Rami­rez, hinati niya ang prem­yo sa mga empleyado.

Nakita sa audit findings at CCTV review ng Grand Polaris ang pagbuo ng tatlong empleyado ng plano upang dayain ang laro. Maaaring makulong ang mga akusado ng apat hanggang walong taon.

ESTAFA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with