^

Police Metro

P29.5 milyong marijuana nasamsam ng BOC

Mer Layson - Pang-masa
P29.5 milyong marijuana nasamsam ng BOC
Ayon sa BOC, nadiskubre ang 74 kahon ng marijuana sa shipment na dumating sa bansa noong Abril 12 at naka-consign sa Philippians 419 Export and Import Gen. Mdse. Corp.,sa isinagawang 100% physical examination dito sa Designated Examination Area (DEA) ng Manila International Container Port (MICP).
STAR / File

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa P29.5 milyong halaga ng mga pinatuyong dahon ng marijuana o kush ang nakumpis­ka ng Bureau of Customs (BOC) sa isang shipment na mula sa Thailand.

Ayon sa BOC, nadiskubre ang 74 kahon ng marijuana sa shipment na dumating sa bansa noong Abril 12 at naka-consign sa Philippians 419 Export and Import Gen. Mdse. Corp.,sa isinagawang 100% physical examination dito sa Designated Examination Area (DEA) ng Manila International Container Port (MICP).

Ang tatlo sa mga kahon ay nakapangalan sa isang Wilma at Erickson Bulaha­gui, at nabuking ang nasa 21,071 gramo ng kush, na may estimated street value na P29,499,400.

Pinuri naman ni BOC Commissioner Bien Rubio ang operasyon at nanindigan sa mandato ng ahensya at direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na pigilan ang pagpasok ng mga smuggled goods at iligal na droga sa bansa.

Sinabi naman ni CIIS Director Verne Enciso na ang physical examination ay isinagawa nila noong Abril 19, 23, at 24 matapos na makatanggap ang CIIS MICP office ng “derogatory information” na ang shipment ay may lamang ilegal na droga.

Nagpahayag naman ng pag-asa si Deputy Commissioner for Customs Intelligence Group Juvymax Uy na ang mga operasyong isinasagawa ng BOC ay maghahatid ng malinaw na mensahe sa mga tiwa­ling indibid­wal, grupo at organisa­syon na nasa likod ng modus.

Ayon sa BOC, ang consignees, senders, at recipients ng mga balikbayan boxes ay maaaring maharap sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Republic Act No. 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with