^

Police Metro

2 illegal gun dealer naaresto sa buy-bust

John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang illegal gun dealer ang naaresto sa isang buy-bust operation ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group, kamakalawa sa Alamada, Cotabato.

Kinilala ni Lt. Col. Allan Huesca, regional chief ng CIDG-Bangsamoro Autonomous Region, ang dalawang suspects, na sina Marlon Danding at Saddam Polayagan na nasamsaman ng dalawang caliber .30 M1 Garand rifle at .45 caliber pistol.

Bago ito, ay may kumakalat na mga text messages sa Alamada at mga karatig bayan sa Cotabato na nagsasabing kilalang mga gunrunners sina Danding at Polayagan na nagbebenta ng mga walang lisensyang baril at ilan sa kanilang mga nabentahan na ay mga residente ng ilan sa 63 Bangsamoro barangays sa probinsya na sakop ng BARMM.

Kaya’t isinagawa ang buy-bust operation at nang kumagat ang dalawang suspek ay inaresto ang mga ito.

vuukle comment

COTABATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with