^

Police Metro

China target kubkubin silangang bahagi ng Pinas – Tulfo

Doris Franche-Borja - Pang-masa
China target kubkubin silangang bahagi ng Pinas � Tulfo
Members of the Chinese Coast Guard (CGG) were seen roving around the Rozul Reef in Palawan as they patrol the area on April 21, 2024.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Pagkatapos na sakupin ang ilang bahagi ng West Philippine Sea, target naman umano ngayon na kubkubin ng Tsina ang silangang bahagi ng bansa na nasasakupan ng Pacific Ocean.

Ito ang tingin ni ACT-CIS Rep. at House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo matapos mamataan ang ilang barko ng China sa naturang lugar kama­kailan.

Ayon kay Cong. Tulfo, “noong March lang dalawang barko nila (China) na mga research vessel ang naispatan sa Benham Rise.”

“Tapos nito lamang nakaraang linggo isang research vessel na naman nila ang naispatan sa Catanduanes tapos tumakbo pa patungong Samar nang makita ng mga otoridad,” dagdag pa ni Tulfo.

“Wag sabihin ng China na napadpad lang ang mga barko nila dito sa eastern seaborder natin,” ani Cong. Tulfo.

Ayon sa mambabatas, “I am sure nagsa-surveillance na ang mga yan at gumagawa na ng plano kung saan sila maglalagay ng man-made island para gawing base ng People’s Liberation Army nila.”

“Parang mga magnanakaw na basta na lang pumasok sa karagatan natin ng walang paalam,” dagdag pa ng mambabatas.

Kaya bago pa maisakatuparan ang pagsakop nila sa ating teritoryo na naman, dapat mapigilan na sila ngayon ng ating Sandatahang Lakas,” pahabol pa ni Tulfo.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with