^

Police Metro

Naningil ng pautang, tinodas sa backhoe!

Joy Cantos - Pang-masa
Naningil ng pautang, tinodas sa backhoe!
Sa report ng CALABARZON Police, kinilala ang biktima na si Melvin Tical, halos nagkapira-piraso ang katawan sa tama ng matatalim na bucket na bakal ng backhoe.
STAR/ File

Katawan ng mister, nagutay...

MANILA, Philippines — Dahilan sa paniningil ng pautang, matatalim na bucket ng backhoe ang tumapos sa buhay ng isang mister matapos siyang brutal na paslangin ng operator nito sa malagim na insidente sa Brgy. Tandang Kutyo, Tanay, Rizal nitong Biyernes.

Sa report ng CALABARZON Police, kinilala ang biktima na si Melvin Tical, halos nagkapira-piraso ang katawan sa tama ng matatalim na bucket na bakal ng backhoe.

Bandang alas-10 ng umaga nang magtungo si Tical sa excavation site para singilin sa utang ang backhoe operator na si alyas “Domeng” sa Sitio Suyok, Brgy. Tandang Kutyo, Tanay ng lalawigang ito.

Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng suspect dahil sumira umano ang huli sa kasunduang babayaran kaagad niya ang inutang na pera pero hindi ito natupad.

Kasalukuyan namang sakay ng ino-operate niyang backhoe ang suspect kaya pinaandar ito at intensiyong binackhoe ang biktima ng dalawang beses na halos nagkahati-hati ang katawan sa insidente.

Sa talim ng bucket ng backhoe na bumiyak sa katawan ng biktima ay agad na binawian ng buhay sa insidente.

Inaresto ng mga ope­ratiba ng pulisya ang suspect na ngayo’y nahaharap sa kasong murder.

vuukle comment

CALABARZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with