^

Police Metro

Mga opisyal ng gobyerno, bawal nang gumamit ng wangwang at blinkers

Gemma Garcia - Pang-masa
Mga opisyal ng gobyerno, bawal nang gumamit ng wangwang at blinkers
A staff of a car parts and accessories shop in Banawe, Quezon City, showed a federal blinker on Sunday.
STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ipinagbabawal na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa lahat ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno na gumamit ng wangwang, blinkers at iba pang kahalintulad na signaling o flashing devices para sa kapakanan ng publiko.

Batay sa Administrative Order No. 18, binigyang diin ni PBBM na ang hindi awtorisado at pagkalat ng mga wangwang at iba pang devices ay nagdudulot ng pagkaantala ng trapiko at hindi ligtas na mga kalsada at kapaligiran.

Samantala, exempted naman sa direktiba ang Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), fire trucks, hospital ambulances at iba pang emergency vehicles.

Kasabay nito, ipinag-utos din ng Malacañang sa Department of Transportation (DOTr) at iba pang ahensya ng gobyerno ang pag-review, pag-regulate o pag-evaluate at pag-update sa mga umiiral na polisiya at patakaran upang matiyak ang epektibong implementasyon ng nasabing direktiba.

WANG WANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with