^

Police Metro

Teves nasa Interpol red notice list na - DOJ

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa red notice list ng International Criminal Police Organization (Interpol) si dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., na siyang itinuturong utak sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Ayon sa Interpol, ang red notice ay isang kahili­ngan sa tagapagpatupad ng batas sa buong mundo na hanapin at arestuhin ang isang tao habang nakabinbin ang extradition, pagsuko, o katulad na legal na aksyon.

Nilinaw ng Interpol na ang red notice ay hindi international arrest warrant.

Base sa red notice na ang bansang malamang na binisita ni Teves ay Cambodia.

Una na rin namang napaulat na nagpapalipat-lipat siya sa Timor-Leste, Cambodia at Thailand.

Tinangka rin umano nitong humingi ng political asylum sa Timor-Leste ngunit hindi ito pinagbigyan.

Matatandaang noong Pebrero 19, si Teves ay isinama na ng Interpol sa kanilang blue notice.

Sa ilalim ng blue notice, nire-require ang member countries na mangalap ng karagdagang impormasyon hinggil sa identidad, lokasyon, o aktibidad ng isang tao, na may kinalaman sa isang criminal investigation.

ARNOLFO TEVES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with