^

Police Metro

DA planong magtakda ng MSRP sa bawang, itlog

Angie dela Cruz - Pang-masa
DA planong magtakda ng MSRP sa bawang, itlog
Mahigpit ding mino-monitor ng DA ang presyo ng itlog sa mga lugar na kasalukuyang nasa P6 hanggang P8 kada piraso, mas mababa sa naitalang P10 hanggang P12.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) na magtakda ng mga maximum suggested retail price (MSRP) para sa bawang at itlog.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nakabinbin pa ang pagtatakda ng price cap sa imported garlic dahil mas pinagtutuunan muna ng DA ang presyo ng bigas at baboy.

Ipinatigil muna aniya ang pagtakda ng MSRP sa bawang matapos bumaba ang presyo nito sa P100 kada kilo mula sa P160, pero handa umano ang DA na ipatupad ito kung muling tumaas ang presyo.

Mahigpit ding mino-monitor ng DA ang presyo ng itlog sa mga lugar na kasalukuyang nasa P6 hanggang P8 kada piraso, mas mababa sa naitalang P10 hanggang P12.

Bagaman may suhestyon na magtakda ng MSRP para sa itlog, nais munang kumonsulta ng DA sa mga stakeholder upang hindi maapektuhan ang industriya nito.

ITLOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with