^

Police Metro

Planong ‘school mass shooting’, napigilan

Ludy Bermudo, Art Dumlao - Pang-masa
Planong ‘school mass shooting’, napigilan
National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag speaks during a press briefing at the NBI headquarters on May 4, 2026.
The Philippine STAR / Edd Gumban

NBI nakatanggap ng tip sa FBI…

MANILA, Philippines — Napigilan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y planong pamamaril sa isang paaralan sa Batac City, Ilocos Norte na isasagawa sa pagsisimula ng Simbang Gabi.

Ito ang kinumpirma nitong Martes ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag matapos magbigay ng impormasyon ang counterpart na Federal Bureau of Investigation (FBI) at agad natunton ang kinaroroonan ng tatlong menor-de-edad nagbabalak magsagawa ng masama.

“Immediately, we deployed our task force, the TF-NVE (Task Force on National Violent Extremism) to investigate. And it tested positive; we found three minors here,” ani Matibag.

“We interviewed them, and one of these subjects confessed that he actually had a plan to shoot,” aniya pa.

Pawang nasa edad 16 ang mga sangkot na isa ang Grade 9, at dalawa ang Grade 11 na magkakaibigan at magkakapitbahay na nagsabing sa simula ng tradisyunal na Simbang Gabi sa Disyembre 16, nila gagawin ang pamamaril.

Natukoy umano ang impormasyon sa isang group chat ng mga kabataan nitong buwan ng Nobyembre kung saan pinag-uusapan ang planong targetin ang 5 estudyante na patuloy ang pambu-bully umano sa isa sa kanila simula noong Grade 7.

Kasama umano sa pinag-usapan sa group chat ang intensyong magdamay ng maraming tao, may mga litrato rin ng shotgun ng lolo ng isa sa kanila, may “boga”, at mga shot gun shells.

Sinabi ng isa sa kanila na pinanood niya video ng Columbine High School massacre at ang tangkang pambobomba sa Colorado, United States noong 1999.

“What is alarming is that eventually, there is encouragement to commit suicide after the shooting,” ani Matibag.

Kusang isinuko umano ng mga magulang at guardian ang mga bata at ilang gamit para sa imbestigasyon.

Hindi umano nabanggit kung anong eskwelahan ang target, at nalaman ng NBI na isa ang nagsabi sa magulang na kailangan nila ng baril bilang ‘props’ sa gagawing film.

Nananatili sa kustodiya ng NBI ang tatlong menor-de-edad. Nagbibigay naman ng kinakailangang interbensiyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with