^

Police Metro

Sen. Go No. 1 sa Arkipelago Analytics senatorial survey

Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy si Senator Christopher “Bong” Go sa pangunguna sa karera ng mga tatakbong senador sa halalan sa Mayo, batay sa pinakabagong Arkipe­lago Analytics Senatorial Preferences Survey na isinagawa mula Marso 15 hanggang 21.

Nakamit ang 64 porsiyento ng mga botante, lalong tumibay si Go sa kanyang posisyon bilang nangungunang contender sa paparating na midterm elections. Si Go ay reeleksyonista sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino.

Ang decisive lead ni Senator Go sa Arkipe­lago poll ay bunga ng kanyang kasipagan sa trabaho at malalim na pakikipag-ugnayan sa mga nasa ­ibaba sa umpisa pa ­lamang ng kanyang termino sa Senado.

Kilala si Go sa kanyang direkta at “on-the-ground” approach na pagseserbisyo sa publiko kung kaya nakakuha siya ng malakas na suporta sa taumbayan sa buong bansa.

“Hindi ko kailanman inisip na pulitika ang magi­ging mundo ko, pero dahil sa tiwala ng taumbayan at gabay ni Tatay Digong, magseserbisyo ako sa kapwa Pilipino sa abot ng aking makakaya,” sabi ni Go hinggil sa mga natutuhan niya kay da­ting Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa pag­lilingkod sa tao.

Binigyang-diin niya na ang kanyang trabaho sa Senado ay ­sumasalamin sa patuloy na misyon na ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga ordinaryong Pilipino, partikular ang pangangalaga sa kalusugan, kabataan, palakasan, edukasyon, pagtugon sa kalamidad, kabuhayan at paglikha ng trabaho, seguridad sa pagkain at agrikultura, gayundin para sa kapakanan ng mga migranteng manggagawa.

HALALAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with