^

Police Metro

3 karnaper tugis sa pagpatay sa radio technologist

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinutugis na ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang nasa tatlong karnaper na umano’y res­ponsable sa pamamas­lang sa isang radiologic technologist nitong Miyekules ng umaga sa Quezon City.

Humihiling din ng hustisya ang pamilya ni Daniel Sio Romas, radiologic technologist sa St. Lukes Medical Center matapos na walang awa itong pagbabarilin ng mga karnaper sa Mendez Road, Baesa, QC.

Ayon kay Augie Loinne Romas, kapatid ng biktima, papasok na sa trabaho, alas-5:00 ng umaga ang kanyang kapatid nang maganap ang krimen.

Nabatid kay Augie na tumulong lamang ang kanyang kapatid nang makarinig ito na may humihingi ng tulong mula sa isang biktima ng carnapping.

Sinita niya ang isa sa mga suspek hanggang sa magkaroon ng habulan.

Hindi inakala ng biktima na sumunod ang isa pang suspek at doon na ito binaril ng tatlong beses sa ulo at mukha.

Sinabi naman ng QCPD-CIDU na ginagawa na nila ang lahat upang matukoy ang mga suspek.

vuukle comment

CARNAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with