^

Police Metro

Focus crimes sa Quezon City, bumaba ng higit 47%

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Redrico Maranan ang naitalang malaking pagbaba sa focus crimes na naitala sa lungsod.

Ayon kay Maranan, batay sa datos ng QCPD, bumaba sa 47.47% ang walong Focus Crimes sa Quezon City mula January 15-22, 2024 o katumbas ng 20 insidente lamang.

Kabilang sa walong Focus Crimes ang theft, rape, physical injury, murder, carnapping ng motorsiklo, carnapping ng motor vehicle, robbery, at homicide.

Bumaba rin ng 50% ang naitalang street crimes sa lungsod sa kaparehong period habang umabot naman sa 75% ang Crime Solution Efficiency (CSE) ng QCPD.

Sinabi ni  Maranan na resulta ito ng pina­igting na Police visi­bility ng mga personnel nito partikular na ang Task Force-District Anti-Crime Response Team at bike patrollers.

Patunay rin aniya ito ng dedikasyon at pina­igting na kampanya ng pulisya sa lahat ng uri ng kriminalidad.

CRIME RATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with