^

Police Metro

Mga deboto bawal sumampa sa andas ng Nazareno

Danilo Garcia - Pang-masa
Mga deboto bawal sumampa sa andas ng Nazareno
Ito ang sinabi ni Fr. Hans Magdurulang, tagapagsalita ng Nazareno 2024, may maliit na pagbabago sa bagong andas na gagamitin sa Pista ng Nazareno.
KrizJohn Rosales, file

MANILA, Philippines — Hindi na maaa­ring makasampa o makaakyat ang mga deboto sa andas ng Naza­reno ngayong taong ito.

Ito ang sinabi ni Fr. Hans Magdurulang, tagapagsalita ng Nazareno 2024, may maliit na pagbabago sa bagong andas na gagamitin sa Pista ng Nazareno.

Aniya, ang andas na gagamitin ay mayroong salamin para mapanatili na ang Nazareno lamang ang nakikita sa ibabaw ng andas.

“Ang ating pagpapanumbalik ay yung dating paraan, pagdiriwang na kung saan higit na nakikita sa ibabaw ng andas ang imahe ng Nazareno dahil ang pagdiriwang na ito ay hindi tungkol sa atin lang mga deboto. Higit sa lahat ito ay tungkol sa Nazareno kaya siya ang ating ipakita muli sa mga tao,” wika ni Magdurulang.

Sinabi pa nito na me­ron pa ring pagkakataon yung mga nagbabato ng panyo, nagpapahid ng bimpo dahil merong 8 hijos sa ibabaw ng andas na nasa labas ng salamin at halos ulo lamang nila ang kita sa ibabaw ng andas para higit pa ring makita ang imahen ng Nazareno lalo na yung nasa malalayong lugar.

Ayon sa tagapagsalita, maaaring umabot sa 22 milyon ang mga deboto mula sa nobenaryo mula Disyembre 31 hanggang Enero 10, 2024.

Pinaalala rin niya sa mga deboto na papasok sa simbahan na magdala ng face mask at alcohol.

vuukle comment

NAZARENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with