^

Police Metro

3 miyembro ng pamilya, todas sa salpok

John Unson - Pang-masa
3 miyembro ng pamilya, todas sa salpok
Duguan ang magkakamag-anak matapos na sumalpok ang kanilang sinasakyan sa highway railings ng Matalam, Cotabato na kung saan tatlo ang nasawi habang pito ang nasugatan, naganap nitong Bagong Taon. Nabatid na patungo sana ang mga biktima sa isang New Year’s party ng kanilang mga kamag-anak sa isang bayan sa probinsya nang maganap ang aksidente.
John Unson

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng isang pamilya na ang isa ay buntis ang agad nasawi matapos sumalpok ang kanilang sinasakyan sa railings ng highway habang patungo sana sa isang kaanak para sa pagsalubong sa Bagong Taon, naganap noong Miyerkules sa Barangay Central Malamote, Matalam, Cotabato.

Kinilala ang mga nasawi na sina Almira Pillado; ang buntis na si Michelle Pillado at kamag-anak nilang si Liza Rulida, kapwa residente ng Barangay Dalipe, Mlang, North Cotabato.

Habang nasugatan ang pitong iba pa kabilang ang driver ng sasakyan na si Dennis Tayco Pillado na mister ng isa sa nasawi; at apat na bata na nagtamo ng malubhang mga sugat at pasa sa katawan.

Sa ulat, patungo sana sa Barangay Lumonay, President Roxas, Cotabato ang mga biktima upang dumalo sa isang New Year’s celebration ng mga kamag-anak doon nang biglang nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng kanilang sasakyan na si Dennis dahil sa mechanical kaya ito ay bumangga sa highway side railing kaya’t tumilapon at bumagsak sa kalsada ang mga sakay na agad ikinasawi ng tatlo sa kanila.

AKSIDENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with