^

Police Metro

PNP bantay-sarado na sa buong bansa

Doris Franche-Borja - Pang-masa

Sa nalalapit na Simbang Gabi

MANILA, Philippines — Bantay-sarado na ang Philippine National Police sa mga simbahan at commercial establishments sa buong bansa sa pagsisimula ng  Simbang Gabi sa susunod na linggo.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., inatasan na niya ang  lahat ng  kanyang ground commanders na palawigin ang “target hardening”simbahan na inaasahang dadagsain ng mga deboto para sa siyam na gabi bago ang  Pasko.

Sinabi ni Acorda na kailangan na maging handa ang  PNP sa anumang sitwasyon tulad ng nangyaring pagpapasabog sa  Dimaporo Gymnasium sa  Mindanao State University (MSU).

Kasalukuyang nagmimisa sa lugar nang  mangyari ang pagsabog na ikinasawi ng apat  katao at ikinasugat ng 50 iba pa.

Ayon naman kay PNP PIO chief PCol. Jean Fajardo na mas paiigtingin pa ang  police visibility sa mga simbahan gayundin sa iba pang  matataong lugar kabilang ang mga pamilihan, commercial center at tourist spots.

Nabatid na itinaas na ng PNP ang alerto sa Metro Manila  na nangangahulugan na  75 porsiyento ng mga puwersa ng PNP ay nasa labas at nakakalat sa lansangan.

Pinalakas din  ang mga checkpoint sa border Metro Manila at Bulacan at gumagamit din ng K9 teams sa mga bus terminals, malls, at iba pang matataong lugar.

Sa ngayon aniya, wala pang namomonitor na seryosong banta ang PNP sa Metro Manila at ang paghihigpit ng seguridad ay pagpapatuloy lang ng pro-active stance ng PNP.

vuukle comment

SIMBANG GABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with