^

Police Metro

Poll watchers ng mga kandidato dapat limitahan – Abalos

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Poll watchers ng mga kandidato dapat limitahan – Abalos
Police special action force personnel stand guard as workers load election material into a vehicle for delivery to voting precints in Marawi City, Lanao del Sur province, on October 29, 2023, ahead of the nationwide election for village and youth representatives on October 30.
AFP / Merlyn Manos

MANILA, Philippines — Binalaan muli ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. ang mga kandidato na huwag mandaya sa halalan ngayong araw upang hindi magka-problema sa sandaling manalo sa halalan.

Aniya, kailangan lamang na magtalaga ng tamang bilang ng poll watcher upang hindi maakusahan ng vote buying.

Sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 10946, Section 25 (k)maaaring magkaroon ng presumption of vote buying kapag may higit dalawang (2) watchers kada precinct ang bawat kandidato.

Ayon kay Abalos, naob­serbahan ng Comelec ang istilo ng ilang kandidato ay itago ang pagbili ng boto sa pamamagitan ng pagkuha ng maraming kunwari ay magsisilbing poll watchers.

Apela ng kalihim sa publiko na maging mapagmatyag at mag-ulat sa Comelec o DILG kung may mapansin silang presinto na umaapaw sa mga poll watchers.

Sa ilalim aniya ng Section 264 ng Omnibus Election Code, ang mga kandidatong mahuhu­ling may paglabag sa vote buying ay may parusang pagkakulong hanggang anim na taon at perpetual disqualification sa public office.

BENHUR ABALOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with